“Sama-samang kalooban,
Sanib-sanib na Kilos!”
Sa patnubay nitong liwanag ng nakamit nang katotohanan, ako, ngayon, ay buong-laya at paulit-ulit pang magpapasya na magpunyaging mag-ambag sa nabubuong loob ng lahat. Sama-samang kalooban – ito’y bukluran ng kapakanan, pagsasanib ng malasakit, pagmamahalang tunay, pagkakaisang-buhay, sanib-lakas sa sanggunian, pasya at pagpapatupad na mabisa at ganap, pasasalamat at pag-unlad sa kaisahan ng lahat.
Tatag ng aking katauhan, at tindi at bigat nitong pasya, ay makikita nang palagian sa kaisahan ng aking isip, salita at gawa bilang Pilipino at bilang taong buo, banal at marangal! Sisikapin ko pang maparami, mapagbuklod nang mahigpit, ang mga kapwa kong ganito sa hanay nating magkakapatid!
--balani bagumbayan
isinulat noong Hunyo 25, 2008
posted dito, Disyembre 9, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment