Wednesday, December 23, 2009

Lalabas nang Libro: TASYO: Ngayon na ba... ?

Mga kapatid,
Masaya akong ibalita sa inyo na sa maagang bahagi ng Enero 2010 ay lalabas na ang pinakabagong libro ni Ed Aurelio C. Reyes, na pinamagatang 'TASYO: Ngayon na ba ang Bukas sa Habilin ng Pantas?' isang maikling nobela ('novelette, ' tulad ng 'Ka Andres! Ang Tindi N'yo! ng iyon ding may-akda noong 1994. Maliban sa pagiging interesante gaya ng iba pang salaysay na pampanitikan, dito sa TASYO ay may maraming matututunan ang mga makakabasa. Ngunit mas marami pa kaysa sa impormasyon, santambak na tanong ang iiwan nito sa utak. At hahamunin nito ang lalim sa pag-iisip ng mga babasa na sana'y makakaunawa sa isinusulat ni Tasyo na di raw para sa kanyang mga kapanahon. Tayo na nga kaya ang makakaunawa? O iyon pang mga sanggol pa lamang sa ngayon... paglaki pa nila? Abangan! Nasa imprenta na po ito. Natapos na ngang maimprenta ang maraming pahina. Tinatapos ko pa ang cover. Iseserye rin ito sa "discussion board" ng Cause group na "Balik-Bayanihan" (http://apps.facebook.com/causes/345195?m=1a70f60b).

Malalimang kaligayahan ang sunaating lahat ngayong Kapaskuhan!
---"balani-bagumbayan"

No comments:

Post a Comment