May magandang balita po tayo sa mga kasapi ng Kamalaysayan Solidarity on Sense of History at ng Balik-Bayanihan Campaign Network at ng mga Cause group sa Facebook ng dalawang samahang ito. Ang ikalawang novelette ni Ed Aurelio C. Reyes, na pinamagatang TASYO: Ngayon na ba ang Bukas sa Habilin ng Pantas? Ay halos tapos nang maimprenta at handa nang maipamahagi sa ilang book outlets sa loob ng ilang araw mula ngayon. Nasimulan na ang pag-iimprenta ay pinilit pa rin ng sumulat nito na maghabol sa likurang pabalat ng isang mabigat na hamon sa lahat ng mga babasa:
. “Mulat sa katotohanan at kahalagahan ng kaisahan ng lahat, sa isip at diwa, sa salita at gawa, magpakatao at makipagkapwa-tao Tayo.
. “Sa dinami-dami ng aking mga nabasa, isang katotohanan ang halos mawaglit na sa aking kamalayan. Ito pala ang pinakamahalaga. Na tayo ay nilikha na kawangis ng Lumikha. Na ang gayon ay kaloob sa atin ng Lumikha, at ang ganap na pagkakamit ng katangiang ito ay dapat namang ikaloob natin sa Kaniya. Ang gantimpala ay kaligayahan at kapanatagan sa sari-sarili at sama-sama nating buhay. Madalas nga lamang mangyari na sa salimuot ng araw-araw na mga gawain upang lumawig at gumaan ang buhay ay nawawaglit sa ating muni ang pinakamahalagang katotohanan kung bakit nga tayo isinilang at nabubuhay.”
. NAPAKASIMPLE nga raw ng habilin ng napakatagal nang sumulat nito, na tila raw si “Tasyong Pantas.” Kung gayon, bakit naman ipinagpalagay na di ito mauunawaan ng kanyang mga kapanahon? At bakit kaya pinagdududahan pa ng pamagat nitong aklat na tayo na ngayon ang makakaunawa? Ang tanging sukatan ng sapat na pagkakaunawa ay angkop na pagsasabuhay, di lang sa isip o sa salita kundi sa gawa. Sa mga ugali’t asal ng mga tao ngayon, napakadaling patunayan na hindi pa talaga natin nauunawaan ang “Habilin ng Pantas.” Mayroon kayang sapat na makakikilala sa halaga nito sa kamalayan ng Sangkatauhan sa buong daigdig, at gugugugol tuloy ng tiyaga upang ito’s pag-aralan, isabuhay at ipalaganap?
Ed Aurelio (Ding) Corpus Reyes, may-akda,
TASYO: Ngayon na ba ang Bukas sa Habilin ng Pantas?
MANILA: SanibLakas, 2010
Monday, December 28, 2009
Wednesday, December 23, 2009
Lalabas nang Libro: TASYO: Ngayon na ba... ?
Mga kapatid,
Masaya akong ibalita sa inyo na sa maagang bahagi ng Enero 2010 ay lalabas na ang pinakabagong libro ni Ed Aurelio C. Reyes, na pinamagatang 'TASYO: Ngayon na ba ang Bukas sa Habilin ng Pantas?' isang maikling nobela ('novelette, ' tulad ng 'Ka Andres! Ang Tindi N'yo! ng iyon ding may-akda noong 1994. Maliban sa pagiging interesante gaya ng iba pang salaysay na pampanitikan, dito sa TASYO ay may maraming matututunan ang mga makakabasa. Ngunit mas marami pa kaysa sa impormasyon, santambak na tanong ang iiwan nito sa utak. At hahamunin nito ang lalim sa pag-iisip ng mga babasa na sana'y makakaunawa sa isinusulat ni Tasyo na di raw para sa kanyang mga kapanahon. Tayo na nga kaya ang makakaunawa? O iyon pang mga sanggol pa lamang sa ngayon... paglaki pa nila? Abangan! Nasa imprenta na po ito. Natapos na ngang maimprenta ang maraming pahina. Tinatapos ko pa ang cover. Iseserye rin ito sa "discussion board" ng Cause group na "Balik-Bayanihan" (http://apps.facebook.com/causes/345195?m=1a70f60b).
Malalimang kaligayahan ang sunaating lahat ngayong Kapaskuhan!
---"balani-bagumbayan"

Tuesday, December 8, 2009
Sama-samang Kalooban, Sanib-sanib na kilos!
“Sama-samang kalooban,
Sanib-sanib na Kilos!”
Sa patnubay nitong liwanag ng nakamit nang katotohanan, ako, ngayon, ay buong-laya at paulit-ulit pang magpapasya na magpunyaging mag-ambag sa nabubuong loob ng lahat. Sama-samang kalooban – ito’y bukluran ng kapakanan, pagsasanib ng malasakit, pagmamahalang tunay, pagkakaisang-buhay, sanib-lakas sa sanggunian, pasya at pagpapatupad na mabisa at ganap, pasasalamat at pag-unlad sa kaisahan ng lahat.
Tatag ng aking katauhan, at tindi at bigat nitong pasya, ay makikita nang palagian sa kaisahan ng aking isip, salita at gawa bilang Pilipino at bilang taong buo, banal at marangal! Sisikapin ko pang maparami, mapagbuklod nang mahigpit, ang mga kapwa kong ganito sa hanay nating magkakapatid!
--balani bagumbayan
isinulat noong Hunyo 25, 2008
posted dito, Disyembre 9, 2009

Sunday, December 6, 2009
Bandilang Panawagan
Narito ang isang panawagang nauukol sa lahat ng mamamayan ng Pilipinas,
saanman ang kanilang kinaroroonan, sa loob o sa labas ng Pilipinas:
"MAGSANIB-LAKAS, PILIPINAS!
IHANDOG SA MUNDO ANG KAISAHANG TOTOO!"
saanman ang kanilang kinaroroonan, sa loob o sa labas ng Pilipinas:
"MAGSANIB-LAKAS, PILIPINAS!
IHANDOG SA MUNDO ANG KAISAHANG TOTOO!"
Subscribe to:
Posts (Atom)