May "tula" akong nabuo para sa ating mga kaanib na -- ng Cause group na "Rep.Risa Hontiveros, ang type kong pulitiko"-- at sa mga di pa sumasali: pag-isipan po sana natin at kagyat na aksyunan ito:
"Wag tayong maging kimi! /
Tahasang ikarangal ang kandidatang bayani! /
Huwag magpakakimi /
Huwag magningas-kugon /
Upang adhikain nati’y /
Ganap ngang maisulong! /
Ipakilala sa malakas na tinig /
Nang may buong pagmamalaki— /
Karapat-dapat nga sa Senadong /
Pusisyon itong babaing kampeon! /
Bawa’t araw at linggo ay magparami tayo /
Ng Mangangampanya, di lang ng boboto! /
Wag na wag tayong titigil /
Papainit pa lang ng laban /
Sa Risa mismo ang ating tularan, /
Tagumpay niya kung tayo ri’y mga bayani! /
Hindi magniningas-kogon, at hindi mga kimi! /
Kapag si Risa at Akbayan ang lumaban, /
Ang magwawagi ay ang Sambayanan!" //
(sana ay kayanin ng karamihan sa ating mga nasa facebook Cause group na ito na sa bawat linggo ay makapag-recruit ng kahit tigatlo man lamang na bagong mga mangangampanya para sa kanya, at ang bawat isa ay makapagsimula agad na mag-recruit ng tigatlo ring mga bagong risa hontiveros for senator campaigners kada linggo, na ang bawat isa ay makapagsimula agad na mag-recruit ng tigatlo ring mga bagong risa hontiveros for senator campaigners kada linggo.
(Ilang linggo pa ba ang natitira bago mag Mayo-Diyes? Halos dalawang libo na tayo ngayonsa Cause group na ito. Kahit kalahati man lamang ang mag-aaktibo sa iminumungkahi ko, makalipas ang isang linggo ay apat na libo na, makalipas ng isa pang linggo ay 16 na libo, at paglipas ng isa pang linggo ay 64 na libo na. Kung ang bawat marerecruit na bagong campaigner ay sasali rin sa Cause group natin, mabibigyan natin sila ng mga magagamit na info at materyales na magagamit para sa aktibo at mabisang pangangampanya. Sikapin nating makayanan ito. Para dayain man ay tiyak na mananalo pa rin ang ating ikinakandidatong bayani para sa Senado. Di tayo mag-aala-tsamba sa pagsisikap na ito. )
Saturday, January 23, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment